
Talaga namang hindi aakalain na si Alden Richards, ang isa sa pinakamahusay at in demand na leading man ngayon sa bansa, ay nangarap pala noong maging isang domestic helper.
Sa interview ng Preview.ph, binanggit ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na pinangarap niyang maging piloto noon. Pero hindi ito natuloy dahil aniya wala silang kakayahan.
"Wala kaming pambayad ng tuition fee when I was young because aeronautics is a really expensive course," pagbabalik-tanaw ng aktor.
Photo by: aldenrichards02 (IG)
Bukod sa pagiging isang piloto, pinangarap din ni Alden na maging isang domestic helper.
Kuwento niya, "When I first got into Europe, especially Amsterdam, parang bigla kong pinangarap maging domestic helper, 'yung naglilinis ng bahay. Parang sabi ko, 'Parang kaya ko 'to.'"
Ayon sa aktor, isa sa secret talent niya ay magaling siyang maglinis.
"All of the people who know me, know na isa rin 'yun sa mga secret talents ko. I know how to clean the house, do the laundry, wash the dishes. Marunong din akong mag karpintero ng kaunti," sabi niya.
Bukod dito, isa pa sa secret talent ng aktor ay ang pagiging techie niya.
"Anything tech-related. Like setting up gadgets and everything. Lahat 'yon nagagawa ko. I'm a tech person very much, ever since I was young. Actually, my brother and I were very techie."
Panoorin ang ilan pa sa fun facts tungkol kay Alden Richards mula sa Preview.ph dito.
MAS KILALANIN PA ANG KAPUSO ACTOR NA SI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: