
May mahalagang mensaheng gustong iparating si Alden Richards sa kanyang pangungunahang pinakabagong GMA Public Affairs documentary special na Rebuilding Broken Rooms.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, July 29, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star na layunin niyang mamulat ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa bansa.
"I hope with this documentary, maraming mamulat na mata. Maraming ma-inspire na ito, this is the current situation of the educational system here in the Philippines, and it's not doing really good," pahayag niya.
Personal ding binisita ni Alden ang ilang paaralan sa Pilipinas, kung saan mas nakita niya ang tunay na kalagayan ng mga mag-aaral sa bansa.
Dahil dito, mas naniniwala si Alden na dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang edukasyon.
"Education should be a priority in this country. Education must not be neglected by the people in power," aniya.
Bukod sa kanyang documentary special, mapapanood din si Alden sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey.
Samantala, kasalukuyan din siyang mapapanood sa romantic comedy series na Love, Siargao kasama si Nadine Lustre sa Viu Philippines.
Abangan ang Rebuilding Broken Rooms ngayong August sa GMA.
RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz