GMA Logo Alden Richards, Therese Malvar
What's Hot

Alden Richards, Gabbi Garcia, Therese Malvar, at iba pang Kapuso stars, wagi sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020

By Marah Ruiz
Published January 2, 2021 1:15 PM PHT
Updated January 2, 2021 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards, Therese Malvar


Pinarangalan sina Alden Richards, Gabbi Garcia, Therese Malvar, at iba pang Kapuso stars sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020.

Ilang Kapuso stars ang nakasungkit ng mga parangal sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020.

Photo credit: royce.cabrera Instagram, gabbi Instagram and iamkelvinmiranda Instagram

Isa na dito si Asia's Multimedia Star Alden Richards na hinirang na Best Actor para sa kanyang pagganap sa mega blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye.

Gumanap siya dito bilang Ethan, isang OFW o overseas Filipino worker na nagtatrabaho sa Hong Kong.

Si Gabbi Garcia naman ang hinirang bilang Best Actress in a Comedy or Musical para sa pelikulang Last Song Syndrome (LSS).

Katambal ni Gabbi sa pelikula ang kanyang real life boyfriend na si Khalil Ramos.

Best New Lead Actor naman ang bagong pirmang Kapuso na si Royce Cabrera para sa pagganap niya sa Fuccbois.

Gumanap si Royce dito bilang Ace, na mahilig sumali sa male pageants.

Nakuha naman ni Kelvin Miranda ang Best Young Actor award para sa thriller film na Dead Kids.

Ito ang kaunaunahang Netflix original feature mula sa Pilipinas. Kuwento ito ng planong pag-kidnap ng isang grupo ng mga magkakaklase sa school bully kapalit ng ransom.

Narito ang ilan pang Filipino films na napanood sa Netflix noong 2020:

Si Therese Malvar naman ang hinirang na Best Young Actress para sa drama film na Distance.

Tungkol ito sa isang ina na babalik sa pamilyang inabandona niya limang taon na ang nakakalipas.

Ginaganap ang Urduja Film Festival bawat taon para i-promote ang independent films sa bansa.

Gayunpaman, pasok din dito ang mga commercial films na naipalabas sa buong taon.