GMA Logo Alden Richards Pauleen Luna Vic Sotto and baby Tali
What's Hot

Alden Richards's wish for Bossing Vic Sotto: "Sana masundan na si Tali"

By Cara Emmeline Garcia
Published April 28, 2020 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards Pauleen Luna Vic Sotto and baby Tali


Isang quarantine baby ang hiling ni Asia's Multimedia Star Alden Richards para kay Bossing Vic Sotto.

Ipinagdiwang ng Eat Bulaga dabarkads ang kaarawan ni Vic Sotto sa pamamaraan ng Zoom teleconference ngayong araw, April 28.


Sa naganap na Facebook Live ng show, isa-isang nagpaabot ng well-wishes ang EB dabarkads para sa pioneer host at isa na diyan si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Malaki ang pasasalamat ni Alden kay Vic sa oportunidad na ibinigay niya na makilahok sa noontime show.

Aniya, “Bossing, thank you po sa lahat-lahat ng experience po na naibigay niyo po sa aming lahat sa Eat Bulaga, especially sa akin po.

“Wish ko po sa inyo na sana mas marami ka pang matulungan na dabarkads.

"Kasi, alam ko naman na kahit may quarantine tayo, may quarantine man o wala, e, walang humpay ang pag tulong ninyo sa mga dabarkads natin na nangangailangan.”

Dagdag pa ni Alden sa wishes niya, “So, yung kalusugan ni Bossing, number one. More birthdays [to come] at sana masundan na si Tali. Happy birthday po Bossing, I love you po.”

“Yunnn!” biglang sambit nina Jose, Paolo, at Wally.

“Quarantine baby?” patawang tanong ni Vic.

Panoorin ang birthday greeting ni Alden kay Bossing Vic sa video na ito:


Maliban kay Alden Richards, bumati rin sina Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, at anak niyang si Vico Sotto.

Vico Sotto joins 'Eat Bulaga's Facebook live to celebrate Bossing Vic Sotto's birthday

Pauleen Luna pens sweet birthday message for husband Vic Sotto