GMA Logo Alden Richards Julia Montes GMA Executives and Cornerstone
What's Hot

#AldenJuliaAnnouncement at #FiveBreakupsAndARomance, trending online!

By EJ Chua
Published April 18, 2023 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards Julia Montes GMA Executives and Cornerstone


Kumpirmado na! Julia Montes at Alden Richards, magtatambal sa pelikulang 'Five Break-ups and a Romance' ngayong 2023.

Trending ngayon sa social media ang official announcement tungkol sa pelikulang pagbibidahan ng ABS-CBN's Daytime Drama Queen na si Julia Montes at ng tinaguriang Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden Richards.

Ngayong Martes, April 18, 2023, sa B Hotel sa Quezon City, naganap ang isang media conference para sa kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Julia at Alden.

Ang 2023 movie na ito na pinamagatang 'Five Break-ups and a Romance' ay isinulat at idinidirek ni Direk Irene Villamor.

Sa kalagitnaan ng event, ibinahagi ni Direk Irene ang ilang detalye tungkol sa palabas.

Sabi niya, 'Five Break-ups and a Romance' is about the complications of relationships… Yes, tungkol siya sa pag-ibig, sa break-up, pero… nakangiti ka pa rin, promise.”

Biro pa ni Direk Irene, “Mapapa-text ka sa ex siguro, balikan na tayo, or pag-ano… maghiwalay na lang, extreme… “

Ayon pa sa kanya, tiyak na lahat daw ay makaka-relate sa istorya ng kanilang palabas, “Pero pwede rin siya sa mga walang relasyon ah para may preview na. Kung single ka, gusto mo ba talaga 'to, gusto mo bang pasukin 'to o single ka na lang."

"Yeah, for all ages, from Gen Z to kahit 'yung hindi na Millennial. Kayang-kayang maka-relate kasi very ano naman 'yung pelikula tungkol talaga siya sa hirap at sarap nang may kasama ka," dagdag pa niya.

Samantala, ito ang kauna-unahang collaboration ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad.

Sabay-sabay natin abangan sina Julia at Alden sa kanilang mga karakter bilang sina Justine at Lance sa 2023 movie na 'Five Break-ups and a Romance.'

KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING LADIES NI ALDEN RICHARDS SA KANYANG PREVIOUS PROJECTS SA GALLERY SA IBABA: