GMA Logo Alejar brothers and sexy actresses in Family Feud
What's on TV

Alejar brothers at palabang sexy actresses, may exciting na tapatan sa 'Family Feud'!

By Maine Aquino
Published July 16, 2025 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Alejar brothers and sexy actresses in Family Feud


May fun and exciting head-to-head battle ang Alejar brothers at palabang sexy actresses ngayong July 16 sa 'Family Feud!'

Kaabang-abang na Wednesday tapatan ang mapapanood sa Family Feud dahil may Alejar Brothers vs Palaban Beauties tayong masasaksihan.

Ngayong July 16, mapapanood sa Family Feud ang pagalingan sa pagsagot ng survey questions ng boisterous showbiz brothers at ng apat na sexy and feisty actresses from the '90s to the early 2000s era.

Mula sa team na Alejar Brothers, mamumuno si Toby Alejar. Siya ang eldest of six, veteran actor, at seasoned educator na nagturo ng Communication Arts and writing sa three universities. Si Toby ay isa ring avid painter, passionate tennis player, at proud grandfather of two.

Makakasama ni Toby sa kanilang team ang lead performer ng '80s male dance group sensation na The Tigers, aktor, host, at businessman na si Jojo Alejar; ang kanilang kuya na si Paolo Alejar na single at into forex digital trading at iba pang online businesses. nagtuturo rin siya ng English online sa isang Korean friend; ang bunsong si Dong Alejar na involved sa build-and-sell property business at proud father of four.


Alejar brothers and sexy actresses in Family Feud


Tatayo namang leader sa Palaban Beauties si Camille Roxas. Siya ay isa na ngayong medical aide sa Australia at proud mom of five kids.

Makakasama naman ni Camille sa Team Palaban Beauties si Barbara Milano na top-ranking councilor ng Talavera, Nueva Ecija noong 2004 elections at nag-step down sa showbiz at politika para sa anak at pag-aaral niya sa UST; si Allona Amor na proud mom ng kaniyang mga anak na edad 22 at 10 years old; at si Katrina Paula na isa na ngayong thriving businesswoman na nagma-manage at nagpaparenta ng 21 properties.

Saksihan ang kanilang tapatan pati na rin ang kanilang life update sa Family Feud ngayong July 16 sa GMA.

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.