GMA Logo Amanda Anisimova and Alex Eala
Source: wta (IG)
What's Hot

Alex Eala, haharapin si World No. 10 Amanda Anisimova sa unang pagkakataon

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 16, 2026 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maki supports SB19, BINI at Summer Sonic Osaka
AI-powered solar technology aims to make energy independence more accessible to Filipino households
A panata to Iná and a cancer survivor’s answered prayer

Article Inside Page


Showbiz News

Amanda Anisimova and Alex Eala


May bagong kahaharaping laban ang Filipino pride na si Alex Eala sa Cincinnati Open.

Muling haharap sa isang malaking pagsubok ang tennis star ng Pilipinas na si Alexandra “Alex” Eala matapos mag-advance sa Round of 32 ng Cincinnati Open sa Mason, Ohio.

Makakatapat ng 21-anyos na si Alex sa kauna-unahang pagkakataon ang World No. 10 na si Amanda Anisimova ng USA.

Nakuha ni Alex ang kaniyang puwesto sa ikatlong round matapos magretiro ang kaniyang kalaban mula sa Romania na si Elena-Gabriela Ruse bunga ng injury.

Lamang na si Eala sa ikalawang set sa opensa, 6-1, 3-0, nang hindi na ituloy ni Ruse ang laban.

A post shared by WTA (@wta)



Sa kabilang banda, pumasok naman sa Round of 32 ang 24-anyos na si Amanda matapos nitong talunin si Zeynep Sönmez ng Turkey sa score na 6-2, 6-3.

Hindi na baguhan si Anisimova sa mga malalaking laban ng tennis. Siya ay apat na beses nang WTA titleholder, nakapasok sa finals ng US Open at Wimbledon noong nakaraang taon, at naging semifinalist din sa French Open noong 2019 sa edad na 17 pa lamang.

Subalit hindi rin papahuli si Alex, na nagpakita ng magandang serye ng panalo. Pumasok siya sa Cincinnati Open bitbit ang kaniyang kauna-unahang WTA Tour title sa DC Open nitong nakaraang buwan, kung saan tinalo niya sa finals ang World No. 3 na si Jessica Pegula.

Umabot din ang Filipina sa Round of 16 ng Canadian Open bago sumabak sa Ohio.

Sa pitong top-10 players na natalo na ni Alex ngayong taon, ang tunggalian nila ni Amanda ay magsisilbing panibagong patunay kung hanggang saan na ang narating ng kanyang karera sa professional tennis.

Nakatakda ang paghaharap ng dalawa ngayong Lunes ng gabi, August 17, oras sa Mason, Ohio; o Martes ng umaga sa Pilipinas.

Related Gallery: Alex Eala has a message to her younger self after historic Wimbledon win against champion Iga Swiatek