
Ni-reveal ng vlogger at actress na si Alex Gonzaga na na-bless siyang mabuntis nang lumipat sa bago nilang bahay ng asawang si Mikee Morada.
Sa kanyang "Our House Tour" vlog na uploaded ngayong Lunes (June 1), nagkaroon ng closer look ang followers ni Alex sa kanyang bagong bahay, ang Casa Morada, na aniya ay limang taong ginawa.
"Welcome to my house. As you can see, tayo ay very blessed dahil tayo ay lumipat sa bago nating bahay. At paglipat natin sa bagong bahay, magkakaroon din tayo ng bagong blessing. Ito lang pala ang hinintay ng ating baby, na kailangan lang ay makalipat na tayo," masayang sabi ni Alex.
"So, I'm very, very excited to show you ang aming pinaghirapan for half a decade. Almost five years in the making--from pagtibag ng bahay hanggang pag-build from scratch," dagdag niya.
Ayon kay Alex, proud siya sa bagong bahay dahil collaboration ito ng pamilya Morada at Gonzaga para maibigay sa kanilang mag-asawa.
Sa pagsisimula ng house tour, ipinakita ni Alex ang isa sa mga paborito niyang parte ng bahay, ang kanilang foyer, kung saan makikita sa kanang bahagi ang kanilang staircase, at may daan din papuntang basement.
Sa kaliwang bahagi naman ang guest room para sa kanilang mga magulang, na sinundan ng kanilang powder room.
Isa rin sa paboritong parte ni Alex ay ang kanilang sala. Sa harap naman ng sala ay makikita ang round arc glass doors papunta sa pool.
Sa tapat ng kanilang sala ay ang kanilang TV room at dining room, na sinundan ng kanilang kitchen. Sa likod ng kitchen ay naroroon ang kanilang plate room. Nasa likurang bahagi ang kanilang laundry area.
Sa kanyang next vlog ay ipapasilip naman ni Alex ang kanilang second floor.
Samantala, noong May 21 sa isang Instagram post ay ibinalita ni Alex ang kanyang pagbubuntis, ito ay matapos ang halos anim na taong marriage at tatlong miscarriages.
Related content: Celebrities and personalities react to Alex Gonzaga's pregnancy