
Nagpapasalamat ngayon ang aktor na si Alex Medina at kaniyang mga kapatid sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong para sa kanilang ama na si Pen Medina na ngayon ay nasa ospital dahil sa pagkakaroon ng rare health condition na Degenerative Disc Disease (DDD).
Matatandaan na nawagan ng tulong pinansyal si Alex para sa pagpapagamot ng kaniyang ama kamakailan. Matapos ito ay marami ang nagbigay ng suporta sa kanilang pamilya para sa agarang paggaling ni Pen.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Japs Medina na nakapagpa-reschedule na ng spine surgery ang batikang aktor na si Pen at nangakong babalikan ang mga mensahe ng mga tumutulong sa kanila kapag nagpapagaling na ang kanilang ama.
Agad itong ni-repost ni Alex at nagpasalamat sa lahat ng tumutulong at sumusuporta sa kanilang pamilya.
Aniya, "Maraming salamat po sa mga tumulong. Overwhelmed pa kami sa suporta. Nakakatuwa. Kilala ko lahat kayo tumulong at words aren't enough para i-express how grateful we are."
Samantala, sa mga nais pang magpaabot ng tulong sa pamilya Medina, tingnan ang mga bank accounts na nasa ibaba.
GCASH
Account Number: 09778234150
Account Name: Kathleen Medina
Bank of the Philippine Islands(BPI)
Account Number: 4539-0752-12
Account Name: Kathleen Medina
Unionbank
Account Number:1094-2398-3730
Account Name: Kathleen Medina
SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITIONS SA GALLERY NA ITO: