GMA Logo Alexa Miro
What's Hot

Alexa Miro breaks her silence about Sandro Marcos: 'Hindi siya nanliligaw'

By Kristian Eric Javier
Published August 18, 2023 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Alexa Miro


Nilinaw ni Alexa Miro ang balita tungkol sa pagiging girlfriend ni Sandro Marcos. Basahin ang detalye dito:

Binasag na ng TV host-actress na si Alexa Miro ang kanyang katahimikan tungkol sa bali-balitang siya ang girlfriend ng Ilocos Norte Represenative and presidential son na si Sandro Marcos. Aniya, close friends lang sila at hindi ito nanliligaw.

“Kami, like what I said in all of my past interviews he's one of my closest friends,” paglilinaw ni Alexa sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Dagdag pa nito, malaki ang tiwala nila sa isa't-isa, at sinabing hindi lang naman siya ang babaeng kaibigan nito. Ngunit dahil “fresh face” sa paningin ng mga tao at madalas silang makitang magkasama, ayon sa aktres, ay maaaring doon na nagsimula ang mga haka-haka.

Aminado din ang host ng Eat Bulaga na doon din nagsimula ang mga bashers niya at sinabing pakiramdam niya noon ay na-judge ang buong pagkatao niya, isang bagay na iniiyakan niya sa banyo at “crying internally” kapag kaharap ang mga tao.

“Dati napapatanong ako kung bakit ako...I've never been to anyone like wala akong sinasagasaang tao, ayokong pag nakakasakit ako. So bakit ako?” sabi nito.

Nang tanungin siya kung ano ang naging reaksyon ng Ilocos Representative sa mga bashers niya, ang sagot ni Alexa, “Hindi niya ako kinomfort.”

“Ang sinabi niya lang sa akin, 'Bakit mo ba kasi pinapansin 'yong bashers? You know what you should think about is this line,' I think it's from Game of Thrones he said that 'the lion doesn't concern itself with thoughts of sheep,'” pag-aalala ng dalaga.

KILALANIN SI ALEXA MIRO SA GALLERY NA ITO:

Dahil sa advice na iyon ni Sandro, mula sa pagiging softie at baguhan sa mga bashers ay naging mas matibay na si Alexa. Wala man silang romantic relationship ni Sandro ay ibinahagi ng dalaga na thankful siya na makasama sa circle of friends ng presidential son.

“That's something that I didn't grow up with, kasi I live from place to place, so I don't really have a core group of friends,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres, “And with them, they're really like family. Parang hindi na blood is thicker than water, parang water is thicker than blood sa kanila. We really have each other's backs and ganu'n kami ni Cong. (Sandro).”