
Aminado ang aktres at host na si Alexa Miro na maging siya nagulat nang mapasama sa hanay ng mga bagong hosts ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Sa interview ng TV host-actress sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ni Alexa na hindi niya inaasahan na mapasama sa hanay ng mga bagong hosts ng noontime show.
Ayon pa sa kanya, hindi niya alam ang nangyayari noon, at inakalang naghahanap lang ng hosts para sa bagong segment. Ganoon pa man, na-excite siya nang unang malaman ang bagong project.
“Siyempre mahal na mahal natin ang 'Eat Bulaga' 'di ba? Ever since the generations before pa, so na-excite ako,” sabi nito.
Kuwento ni Alexa ay papunta siya noon ng Cebu para magbakasyon kasama ng mga kaibigan ng tawagan siya ng manager niyang si Tyronne Escalante para ibalita ang tungkol sa briefing para sa show, at na sasalang na siya sa live airing nito.
Pag-alala niya sa sinabi ni Tyronne, “Sabi niya sa akin no'n 'Alex, bilang artista kita sa roster ko, I've always known you as one of the brave ones, so it's either you're willing to take this risk or you're not? It's either you want to jump into the unknown in the future, kung gusto mong itaya 'yong safe ba o hindi, depende na sa'yo kung ano gusto mong marating sa buhay.'”
At ang sagot ni Alexa, “I agreed naman and that's has always been who I am.”
Paliwanag nito, “Kahit sa first movie ko before with 'A Girl and A Guy,' iyon din 'yong talagang nanaig sa akin that longing to achieve big heights.”
“And I believe naman in the show, I believe in its intent, alam ko na mabuti rin 'yong kalalagyan ng lahat in the future.”
KILALANIN SI ALEXA SA GALLERY NA ITO:
Sinabi rin niyang totoo na kinailangan nilang mag-adjust ng mga co-host niya ng madalian. Pero kahit biglaan ang pagsasama noon ng mga bagong host, ipinahayag din ni Alexa kung gaano siya ka-thankful dahil nag-click sila agad.
“Parang we work around it like a charm. The first thing that was taught to us was to remain humble and to not say anything that would be bad, to not react na lang muna and just to remember what we're doing this for,” sabi nito.
“So siguro iyon 'yong lumabas and that's what made the job easier everyday,” pagtatapos ng aktres.