
Hindi maitago ang kilig ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon nang sumalang ang beauty queen sa isang blind dating search sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, February 14.
Si Alexandra ang masuwerteng guest sa TBATS nitong Valentine's Day.
Sa simula ay sumabak muna sa isang mabilisang Q&A ang beauty queen. Sasagutin kaya niya si Manila Mayor Isko Moreno kung ligawan siya nito? May pag-asa kaya sa kanya si Tekla? Bakit nga ba hindi siya ang kinoronahan sa Miss Universe Philippines?
At dahil Araw ng mga Puso, nabigyan ng pagkakataon si Alexandra na mamili ng kanyang makaka-date sa 'Pusuan Mo 'Yan' segment. Tatlong hunks ang pinagpilian ng beauty queen; si Mr. Chinito Boy ng Alabang na si Anjo Damiles, Mr. Right na si Royce Cabrera, at si Mr. Giant na si Hisam Jehad.
Matapos ang naughty questions ni Alexandra para sa kanyang searchees, iniinggit naman niya ang The Mema Squad na kinabibilingan nina Pepita Curtis, Jessa Chichirita, Skelly Clarkson at Ian Red. Nahawakan kasi niya ang matitipunong abs, nagtitigasang chest, at malalaking braso ng Kapuso hunks.
Panoorin ang kanyang nakakakilig at nakakainggit na moment sa video sa itaas.
Samantala, bumida naman ang fun-tastic duo sa isang parody segment tungkol sa 80-year-old couple na nagdadalang-tao for the first time:
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: