
Nagpaalam na si Miss Eco International 2025 Alexie Brooks sa kanyang korona pagkatapos koronahan ang kanyang successor sa coronation night na ginanap sa Egypt.
Nag-upload si Alexi ng Instagram photos, kung saan suot niya ang isang white gown at ang kanyang crown at sash. Sa caption ng post, lubos ang kanyang pasasalamat sa panahon niya bilang Miss Eco International.
Inalala rin ni Alexi ang panahon noong pinalaki siya ng kanyang lola at noong binu-bully siya, at kung paanong naging parte ng kanyang laban ang bawat paghihirap na kanyang hinarap.
Aniya, "Life was never easy for me. I grew up without my parents, raised by my grandparents who became my home, my strength, and my safe place. I was bullied for being different for my hair, my skin, and simply for who I was. There were moments I felt unseen, broken, and alone.
"But deep inside me was a little girl who still chose to dream.
"Every struggle, every heartbreak, and every loss became part of my purpose. And even after losing my grandmother, the love of my life, I continued forward carrying the values she taught me: courage, kindness, resilience, and compassion.
"This journey reminded me that true beauty is not found in crowns or titles, but in the lives we touch, the love we give, and the strength to keep going despite the pain.
"Tonight, I leave this chapter with the most grateful heart. To everyone who believed in me, supported me, stood by me, and became part of this journey — thank you. And to the Miss Eco International family, thank you for giving me a platform that changed my life forever."
Related gallery: A closer look at Alexie Brooks's stunning Miss Eco International gowns
Naging productive ang panahon ni Alexie bilang Miss Eco International 2025. Nasa Orlando, Florida siya noong simula ng taon para maging judge sa Miss Eco North America pageant.
Maliban sa pagiging pageant judge, nakibahagi rin si Alexie sa advocacy work at speaking engagements. Noong November 2025, nakaranas siya ng “full circle moment” bilang parte ng CDSA (Congressional District Sports Association) Sports Meet ng 2nd District ng Iloilo. Si Alexie ang key speaker sa event na kanyang inilarawan bilang isang event na “filled with passion, young dreams, and the spirit of true sportsmanship.”
Ibinahagi rin ni Alexie na mas makabuluhan ang event, na ginanap sa San Miguel, Iloilo, kung saan una niyang napanalunan ang kanyang first congressional gold medal higit 10 years na ang nakalipas. Ayon kay Alexie, naroon siya ngayon hindi bilang isang batang atleta, kundi isang “Miss Eco International 2025 and a former national athlete—proof that dreams evolve but dedication remains the same.”
Sinabi rin ni Alexie na ang sports ay “not just a competition”, kundi parte rin ng Sustainable Development Goals (SDGs) sa pamamagitan ng pag-promote ng good health and well-being, quality education, equality, empowerment, at strong, united communities.
Isang buwan bago ang event na iyon, nag-upload naman si Alexie ng Reel na nagpapakita pagiging bahagi niya ng Bangsa Sug Fashion Show, na ginanap sa Jolo, Sulu. Suot ni Alexie ang isang sustainable outfit na gawa ni designer Maverick Francisco Oyao na nagiging bag, jacket, at reversible outfit. Maliban sa pagiging sustainable, ang outfit ay meron ding “Pis Syabit stripes, radiant tropical hues, and motifs of abundance”.
Noong Hulyo, naging parte rin si Alexie ng isang mangrove planting at coastal clean-up event na organisado ng Katunggan Eco Park sa Iloilo.
Sa caption sa kanyang Instagram post, inilarawan ni Alexie ang eco park bilang isang matagumpay na mangrove reversion project at isang “local initiative with a global impact.”