
Masaya ang award-winning actor na si Alfred Vargas sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network na mapasama sa cast ng inspirational drama series na Forever Young.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktor ang una niyang reaksyon nang ialok sa kanya ang serye.
"I feel very lucky na mapasama rito sa show," sabi ni Alfred. "Tapos nu'ng nakita ko 'yung concept may medical side, at the same time, may family factor pagkatapos mayroon ding politics.
"And, nu'ng nalaman ko na si Euwenn Mikaell ang magiging lead dito kasi nga from Firefly tapos nagkaroon din kami ng movie Lolo and the Kid, sabi ko, 'Wow! May magic dito sa project na ito.
"I'm just happy na binigyan ako ng GMA Network ng project na 'to."
Sa Forever Young, mapapanood si Alfred bilang Gregory Agapito, ang kikilalaning ama ni Rambo, na gagampanan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Tampok sa Forever Young ang kakaibang kondisyon ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Sa interview, napuno rin ng papuri si Alfred sa husay ni Euwenn bilang isang batang aktor.
"He is a very matured young boy. Nu'ng ka-age ko s'ya, hindi ako ganoon mag-isip. Pero siya talaga, he's professional, he's very talented. Sa tingin ko talaga mayroon s'yang x factor na kumbaga mayroon siyang charisma," sabi ni Alfred.
Bukod kay Euwenn, makakasama rin ni Alfred sa Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, James Blanco, Yasser Marta, Matt Lozano, at Abdul Raman.
Abangan si Alfred Vargas sa Forever Young, simula October 21, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: