
Patuloy pa rin na nagluluksa ang aktor na si Alfred Vargas sa pagpanaw ng kaniyang nanay-nanayan at dating manager na si Lolit Solis nang pumanaw ito noong July 2025.
Matatandaan na kinumpirma ni Sneezy, anak ni Lolit, sa GMA News Online na pumanaw na ang kaniyang ina sa ospital dahil sa heart attack.
Sa post ni Alfred sa Instagram noong July, sinabi niyang nawalan siya ng nanay at ng kaibigan sa pagpanaw ng dating talent manager.
“My heart is totally broken. I feel like nawala ang isang malaking bahagi ng buhay ko. Ngayon ko lang nakayanan mag-post. Nawalan ako ng Nanay. Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ako ng Ninang. Nawalan ako ng tagapagpayo, mapa-career man o personal. Nawalan ako ng tagapagtanggol. Nawalan ako ng manager,” sulat ng aktor.
Sa pagbisita ni Alfred, kasama ang asawang si Yasmine Espiritu sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 17, inamin ng aktor na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagpanaw ni Lolit.
“I never [stopped], lalo na kung nanay mo 'yung nawala, whether your biological mom, whether your mom sa industriya, it's the same, e. And mga nanay, sila 'yung pinaka fierce, sila ' yung pinaka-dedicated na tagapagtanggol natin,” sabi ni Alfred.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA INALALA SI MANAY LOLIT SA GALLERY NA ITO:
Isa sa mga hindi malilimutan umano ng aktor ay ang bilin sa kaniya ni Lolit.
Pag-alala ni Alfred, “Sabi niya sa'kin, 'Basta lahat ng gagawin mo, just be sincere. Whether you're in front of the camera, sincere ka sa character, sincere ka sa script, sincere ka sa role mo. Tapos when you're off the camera, sincere ka rin.'”
Panoorin ang panayam nina Alfred at Yasmine dito: