GMA Logo Alfred Vargas
What's Hot

Alfred Vargas, proud na mapasama sa 'Men Who Matter' ng taon

By Gabby Reyes Libarios
Published July 28, 2023 12:05 PM PHT
Updated July 28, 2023 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas


Para kay Alfred Vargas, 'service to humanity' ang nagbibigay kahulugan at layunin sa kanyang buhay.

Isang malaking karangalan para kay Quezon City representative Alfred Vargas ang mapabilang sa 'Men Who Matter 2023,' ang piling grupo ng kalalakihan na kinikilala ng PeopleAsia magazine para sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng business, politics, society, pop culture, arts, at entertainment.

Naihanay si Alfred sa naturang grupo dahil sa kanyang passion at dedikasyon sa serbisyo publiko. Ang three-term congressman lang naman ay nakapag-author (at naipasa) ng "93 laws, 1200 measures." Naging adbokasiya na rin niya ang paggawa ng mga proyektong nag-aangat sa kalidad ng buhay ng PWDs sa Quezon City.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Alfred na mas na-i-inspire siya na galingan pa sa pagtatrabaho para sa kapakanan ng kanyang constituents. Nagbahagi rin siya ng mga rason kung bakit pinili niyang manatili sa public service.

"To PeopleAsia, thank you very much for this great, great honor. And mas nakaka-pressure to do more, because of this award," sambit ni Alfred nang tanggapin ang trophy sa awards night na ginanap sa The Bellevue Hotel Manla kagabi.

"Nandito po ako ngayon kasi ako po ay Pilipino, at mahal na mahal ko po yung bansang Pilipinas.

"We believe that faith in God gives meaning and purpose to human life, but service to humanity is the best work of life.

"This pandemic compelled us to ask ourselves, 'What does really matter in life?' For me, my answer remains 'family' and 'love.'

"As long as we're capable of loving and doing good for others and effecting positive change through love, okey na 'yun. That's what matters in life."

Masayang sinalubong si Alfred Vargas ng PeopleAsia editor-in-chief na si Joanne Rae Ramirez (right) at event host na si Issa Litton. / Photo courtesy PeopleAsia


Sa kanyang Instagram, isang maikling mensahe naman ng pasasalamat ang ipinost ng AraBella actor.

"Grateful, honored, humbled," sulat ni Alfred sa kanyang caption.

Bukod dito, ibinida rin niya ang kanyang OOTD para sa naturang awarding ceremony. Tulad ng isinuot niyang white suit sa GMA Gala 2023, si Chynna Mamawal din ang gumawa ng kanyang brown suit.

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Pansin naman ng netizens na mapa-suit or mapa-traditional na barong, hindi maikakaila ang malakas na charisma ni Alfred.

Matatandaan na nito lamang Lunes, dumalo si Alfred sa second State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na suot ang embroidered na barong na gawa ng tanyag na si Francis Libiran, at sapatos na gawa naman sa Marikina.

Bukod kay Alfred, pinarangalan din ng naturang organization sina Coco Martin, Grab Philippines Director For Deliveries Greg Camacho, Sto. Niño De Paz Chaplain Fr. Dave Concepcion, artist Leeroy New, DILG Secretary Benhur Abalos, MMDA Chairman Romando Artes, NexGen Asia CEO Fred Hui, Metro Pacific Investments Corp's Atty. Michael Toledo, at iba pang bigating personalidad.

Photo courtesy PeopleAsia

BUKOD SA PAGIGING PUBLIC OFFICIAL, ISANG LOVING HUSBAND AND DOTING FATHER DIN SI ALFRED: