GMA Logo Alfred Vargas
What's Hot

Alfred Vargas, nag-senti noong nakaapak muli sa GMA Network building

By Gabby Reyes Libarios
Published June 21, 2023 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas


Nakapag-reminisce si 'AraBella' actor Alfred Vargas ng kanyang Kapuso experience nong bumisita siya sa GMA Network building kamakailan.

Nag-a la Gen Z-style of vlogging si AraBella actor Alfred Vargas habang kinukuwento ang kanyang nakaraang visit sa GMA Network building para sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda.

Aminado ang good-looking Quezon City councilor na na-miss niya rin ang umapak sa GMA Network building. Tinuturing niya itong tahanan, dahil ilang teleserye at iba pang proyekto rin ang kanyang nagawa sa Kapuso network, bagay na hinding-hindi makakalimutan ni Alfred.

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Kaya naman "at home na at home" ang kanyang pakiramdam nang makapag-ikot ikot siya sa compound ng GMA.

"Hello guys, nandito tayo ngayon sa Kapuso station, GMA-7 Network, ang tahanan ko since 2004," panimula niya sa kanyang "mini vlog."

"Special at mabilis ang araw na ito dahil first time ko mag-ge-guest kay Tito Boy Abunda's 'Fast Talk' at siyempre nakaka-at-home naman at nakaka-miss naman magpunta dito sa GMA Network Center.

"Ang sarap gunitain ng mga nakaraan. Naalala ko yung mga panahon ng S Files, StarTalk, ng Showbiz Central at marami pang iba."

Para sa mga hindi nakakaalam, ang mga nabanggit ni Alfred ay pamagat ng ilang sumikat na showbiz-oriented talk shows ng GMA. Isa si Boy Abunda sa mga orihinal na hosts ng StarTalk (kasama sina Kris Aquino at Lolit Solis) nang magsimulang umere ito noong October 1995. Umalis si Boy Abunda sa naturang show noong June 1999.




Bumalik sa alaala ni Alfred na sa lugar rin na ito naganap ang story conference para sa Encantadia, kung saan una raw niyang nakilala ang karakter niyang si Aquil. Sa original na bersyon nito na ipinalabas noong 2005, nakasama ni Alfred sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri na gumanap bilang mga Sang'gre.

"Alam mo talagang kapag mga special moments hinding-hindi mo makakalimutan," dagdag nito.

Isa rin sa mga unang Kapuso teleseryeng ginawa ni Alfred ang Marinara, ang 2004 fantasy comedy series na pinagbidahan ni Rufa Mae Quinto, na ngayo'y isang exclusive talent na ng Sparkle GMA Artist Center.

Bukod sa first time niya na mag-guest sa Fast Talk With Boy Abunda, espesyal para kay Alfred ang pagkikita nila ni Tito Boy dahil tinuturing ng aktor ang batikang host bilang isa sa mga close friends niya sa industriya.

"Alam n'yo ba na matagal na kami magkakilala ni Tito Boy? Isa siya sa mga unang tumulong sa akin noong ako'y nag-uumpisa pa lamang noong year 2001. And natutuwa ako na isang Boy Abunda ang nagtiwala sa isang katulad kong baguhan pa lamang."

Sa kanilang panayam, marami-rami rin silang napag-usapan ni Tito Boy, pero ang tumatak na bahagi ng interview kay Alfred ay yung usapin tungkol sa kanyang yumaong ina, si Atty. Susana Dumlao Vargas.

"Mabilis lang yung 20 minutes pero malaman ang aming naging conversation. Pinag-usapan namin ang aming experiences at medyo napunta ang usapin doon sa alaala ng aking Nanay kasi kilala rin siya ni Tito Boy noon. Ang sabi nga niya I was raised by strong women. At tinanong n'ya ako kung ano nga bang feeling to be raised by such a strong woman."

Sa actual interview na ipinalabas sa Fast Talk with Boy Abunda, nagbigay-pugay si Alfred sa kanyang ina, asawang si Yasmine, at mga kapatid na babae.

"'Pag pinakain ka ng mga malalakas na babae, siguro feeling ko, tumaas din 'yung standards namin sa babae, and 'yung respeto namin sa babae, mataas.

"That's one of the best things na nakuha ko sa mom ko, she showed me."

@alfredvargasph Ikaw talaga gusto ko @Amoris by Yasmine Vargas.🫶 #fyp #fypシ #foryoupage ♬ original sound - PUHON


Kung hindi n'yo pa napapansin, hindi na bago para kay Alfred ang ganitong style of storytelling. Matagal-tagal na rin siya sa TikTok, kung saan unang sumikat ang mga "A Day in My Life" mini-vlogs na shortened at more casual na version ng traditional YouTube vlogs.

Mayroon na rin siyang 1.2 million followers at 15 million Likes sa TikTok. Nang makapanayam ng GMANetwork.com si Alfred noong January 2023, patawang sinabi pa nito na "awkward" at "weird" pa sa pakiramdam niya ang gumawa ng content sa naturang app.

"Yes. Weird yung feeling noong una. Pero nagulat ako sa reception ng tao. I felt so welcome agad. Reading their comments also encouraged me to do more content. Ang saya!"

Base sa dami ng content na kanyang na-i-post na sa kanyang account simula noon, mukhang bihasang-bihasa na ang aktor sa app ng mga Gen Z.


BALIKAN ANG MGA BAGAY NA NAIKUWENTO PA NI ALFRED VARGAS SA KANYANG INTERVIEW SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA: