
Parang pamilya na kay Alfred Vargas ang mga nakatrabaho sa inspiring afternoon series na Forever Young.
Kaya naman ngayong tapos na ang kanilang taping, hindi naiwasan ng aktor na ma-miss ang masayang set ng GMA Afternoon Prime soap.
"Nakaka-miss ang tapings namin kasi ang saya at ang gaan sa set. Parang family na kami talaga. Sharing some BTS namin," sulat ng aktor sa kanyang post sa Instagram.
Sa video, ipinakita ni Alfred ang ilang behind-the-scenes sa taping. Inanyayahan din niya ang lahat na manood ng Forever Young.
Sa Forever Young, napapanood si Alfred bilang Gregory Agapito, ang tumatayong ama ni Rambo, na pinagbibidahan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell.
Kasama rin ni Alfred sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NI ALFRED VARGAS SA SET NG 'FOREVER YOUNG' DITO: