
Binigyang linaw ni Alicia Mayer ang tsismis na kumalat noon tungkol sa 'di umano'y pagkakaroon nila ng anak ng ex-boyfriend na si Joey Marquez.
Sa pakikipagkuwetuhan sa The Snooky Serna Channel, binalikan ni Alicia ang naging relasyon niya noon kina Edu Manzano at Joey Marquez.
Inilarawan ni Alicia si Edu na "very pleasing, maaruga, at maalaga."
"I would say na parang mabilisan 'yung ano namin, 'yung decision. And then we just have to stop talking to each other. And then, I think kapag nag-uusap pa kami lalong gumugulo, so both of us decided just to completely stop the connection," kuwento niya.
Pagdating naman kay Joey, sinabi ni Alicia na "mabait, nagpo-provide, at caring" ito.
Nilinaw rin ni Alicia ang isang interview noon kay Joey kung saan tinanong daw ang aktor kung may anak ba silang dalawa na, aniya, hindi diretsahang sinagot ng aktor.
"I just wanna say no. Wala," sabi ni Alicia. "Ako na magsasagot para sa kanya kasi hindi niya sinagot."
Kinumusta rin ni Snooky ang "hubby" ngayon ni Alicia at kung hindi ba ito seloso.
"Hindi siya seloso. Actually, ano pa nga siya, siya 'yung nagpu-push sa akin minsan, halimbawa, tingin niya sobrang conservative ng suot ko, sasabihin pa niya, 'No, wear this. Oh, you look so good.' Siya 'yung may gusto na laging maganda 'yung asawa niya."
Related content:IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Joey Marquez