GMA Logo Aljur Abrenica and Kylie Padilla
Photo by: Julius Babao (YT), kylienicolepadilla (IG)
Celebrity Life

Aljur Abrenica, nilinaw na bati na sila ni Kylie Padilla: 'Lumipas na, e'

By Kristine Kang
Published August 30, 2024 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aljur Abrenica and Kylie Padilla


Alamin ang estado ng relasyon ngayon nina Aljur Abrenica, Kylie Padilla, at ang kanilang mga anak, dito.

Matatandaang maraming netizens ang nalungkot at nagulat sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Meron din nagalit kay Aljur dahil umano sa kanyang "third party" na nakasira sa kanyang relasyon sa Kapuso actress.

Pagkalipas ng ilang taon, makikitang abala ang dalawa sa kani-kanilang career at buhay.

Ngunit maraming netizens ang gusto pa rin malaman kung kumusta na ba ang kanilang relasyon at ano na ang nangyari sa kanilang pamilya.

Sa isang panayam kasama si Julius Babao, nagbahagi ng update ang aktor tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa mag-ina.

Ayon kay Aljur, nag-uusap pa rin sila ni Kylie para maalagaan ang kanilang anak na sina Alas at Axl. Sinisiguro nila na binibigyan nila ng sapat na oras ang isa't isa para makasama ang mga bata.

"Tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap namin. Hindi naputol 'yun, lalong lalo is kung paano namin napag-usapan 'yung mga bata na nire-report namin sa isa't isa 'yung pangyayari sa bahay so we can, 'di ba co-parent," pahayag niya.

Kahit abala sa kanyang career, nagdesisyon si Aljur na makasama ang kanyang mga anak dahil alam niyang kailangan nila siya bilang ama.

Aniya, " 'Yung one to seven years old. iyon 'yung pinaka-crucial. Sabi ko sa sarili ko, 'Ano ba naman, ibigay natin sa kanila iyon. Pagkatapos noon, you can go back to work talaga na full time.'"

Nilinaw din ng aktor, na okay sila ngayon ni Kylie at wala na silang nararamdamang masasamang loob sa isa't isa.

"Lumipas na, e," sagot ni Aljur tungkol sa galit nila ni Kylie.

"Natuto na po kami doon. I think masasabi ko na ano, naging better po kami," dagdag niya.

Ngayon, madalas nakakasama ni Aljur ang mga bata, lalo na nitong bakasyon. Patuloy rin niyang ginagawa ang kanyang makakaya para masuportahan ang mga pangarap o gusto ng kanyang mga anak.

"Ako pinagdarasal ko na 'pag dumating ang panahon na iyon, kung may hihiling sila sa akin [o] kung ano gusto nila gawin, magawa nila. Ang pinaplano ko lang 'yung handa ako sa ano puwedeng mangyari. 'Yung may choice ang mga bata, iyon 'yung gusto nila gawin," sabi ni Aljur.

Samantala, balikan ang love story nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa gallery na ito: