Article Inside Page
Showbiz News
Unang pagsasama ng Kapuso leading men na sina Aljur Abrenica at Alden Richards sa Magpakailanman episode na ipapalabas ngayong Sabado, March 15. Ano kaya ang masasabi ni Aljur kay Alden?

Unang pagsasama ng Kapuso leading men na sina Aljur Abrenica at Alden Richards sa
Magpakailanman episode na ipapalabas ngayong Sabado, March 15. Ano kaya ang masasabi ni Aljur kay Alden?
Sa episode ng
Magpakailanman ngayong Sabado, gaganap bilang magkapatid na Joel at Jovel sina Aljur at Alden. Ipapakita rito ang mga unos na pinagdaanan ng magkapatid at kung paano nila naiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.
Nang malaman daw ni Aljur na si Alden ang kanyang makakasama sa
Magpakailanman, ikinatuwa niya ito dahil nagagalingan siya sa
Carmela leading man.
Aniya, “First time kong makatrabaho sa ganitong proyekto si Alden. I’m very thankful for this
Magpakailanman episode kasi mas nakilala ko si Alden. He’s a very good actor. Marami akong natutunan sa kanya.”
Ano-ano ang mga nadiskubre ni Aljur tungkol kay Alden sa kanilang ilang araw na pagte-taping para sa proyektong ito?
Sagot ni Aljur, “He’s very humble. Pangalawa, ang gusto ko sa kanya ay may disiplina siya sa sarili niya at sa trabaho niya. Pangatlo, he’s very approachable. Mahal siya ng lahat.”
Tulad ni Alden, pinabulaanan ni Aljur na may rivalry na namamagitan sa kanilang dalawa. Kapwa lamang daw nilang ginagawa ang kanilang trabaho, at walang masama doon. Sa totoo lang, nagkakasundo raw talaga sila.
Pagpapaliwanag ni Aljur, “Honestly, I’m very thankful na nakatrabaho ko siya kasi after nitong
Magpakailanman, para ko na siyang naging kapatid kasi napakabait niyang tao. May takot siya sa Diyos, at doon kami nagkakasundo. Marespeto din siya at busilak ang puso.”
Huwag palampasin ang pagsasama nina Aljur Abrenica at Alden Richards sa telebisyon ngayong Sabado, March 15 sa
Magpakailanman.
Kasalukuyang napapanood si Aljur Abrenica sa
Kambal Sirena, habang si Alden Richards naman ay napapanood sa
Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw gabi-gabi sa GMA Telebabad. Kapwa nasa Sunday All Stars din ang dalawang Kapuso leading men.
Para makatanggap ng updates, mag log-on lamang sa
www.gmanetwork.com.
-Text by Samantha Portillo, Photo by Meryl Ligunas, GMANetwork.com