Celebrity Life

Aljur Abrenica shares dream project with Kris Bernal

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 29, 2020 1:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughter reassures love for mom with Alzheimer's after learning she's adopted
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon
Mister, sinurpresa ang misis na-lockdown sa Maynila | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Aljur, kahit na raw ilang beses na silang nagkasama ni Kris sa mga teleserye na tulad ng 'Dyesebel', 'The Last Prince', 'Coffee Prince', at 'Machete' ay marami pa raw silang puwedeng gawin ng ka-love team na dapat abangan ng mga Kapuso viewers.

Matagal nang magka-love team ang mga bida sa Telebabad soap na Prinsesa ng Buhay Ko na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.  

Ayon kay Aljur, kahit na raw ilang beses na silang nagkasama ni Kris sa mga teleserye na tulad ng Dyesebel, The Last Prince, Coffee Prince, at Machete ay marami pa raw silang puwedeng gawin ng ka-love team na dapat abangan ng mga Kapuso viewers.

Sa katunayan nga ay nominated ang Prinsesa ng Buhay Ko bilang Primetime Teleserye of the Year ng PEPSTER’s choice awards.

Tinanong namin si Aljur ng kaniyang reaksyon tungkol dito. “Siyempre thankful at grateful ako. It's an honor na ma-nominate kami. Malaking karangalan para sa 'min ni Kris 'yon. And we're excited kung sino talaga 'yung mananalo lalo na sa mga kasama namin tulad ng Anna KarenNina, My Husband's Lover at iba pa. Kahit na ano man ang manalo diyan, ang balik niyan ay sa ating ding mga Kapuso,” aniya.

Bukod sa pagiging successful nila sa TV, ikinuwento sa ‘min ni Aljur ang kaniyang dream project kasama si Kris. At ito ang muling makasama ang ka-love team sa isang pelikula sa ikalawang pagkakataon. Nakasama niya na kasi si Kris sa pelikulang Nandito Ako Nagmamahal Sa ‘Yo na ipinalabas noong 2009.

Nang tanungin namin ang GMA’s Prince of Drama kung anong genre ng film na gusto niya, sinabi nitong sana raw ay mag-focus ito sa drama.

Pero ano kayang certain role na gustong gampanan ni Aljur? “Gusto kong umikot sa politics na mga roles, kumbaga 'yung nangyayari sa bansa natin, gusto ko ring gampanan yung mga istorya ng nangyari sa bagyong Yolanda, just for the audience na makita nilang there's always hope,” sagot niya.

Dagdag pa ni Aljur, gusto rin daw niyang gumawa ng pelikula na nag-fi-feature sa kalagayan ng mga Aeta sa mga probinsiya. Sa ganitong paraan daw kasi mas lalong makikilala ng mga Pilipino ang ating bansa.

Ani Aljur, kahit anong film daw na tatalakayin ang reality o ang mga tunay na nangyayari sa bansa ngayon ay tatanggapin niya. At siyempre, gagawin niya ito kung kasama ang long-time love team na si Kris.

Ang huling pelikula ni Aljur ay ang My Kontrabida Girl kung saan katambal niya si Kapuso actress Rhian Ramos.

Abangan kung mapapanood ba nating muli sina Aljur at Kris sa silver screen next year. Meanwhile, subaybayan muna natin sila sa Prinsesa ng Buhay Ko, weekdays after GMA Blockbusters weekday edition sa GMA Afternoon Prime.

- Text and Photo by Al Kendrick Noguera, GMANetwork