GMA Logo Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'
What's on TV

All-new episodes ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit,' mapapanood na ngayong linggo

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 3, 2021 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police car accident injures 15 devotees during church visit in Ligao, Albay
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'


Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit' simula ngayong linggo sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng 'Prima Donnas.'

Magpapatuloy na ang kuwento ng paghihiganti ni Nolie Dela Cruz (Mylene Dizon) kina Anselmo (Zoren Legaspi) at Margaux Santos (Ina Feleo) sa Bilangin ang Bituin sa Langit ngayong linggo.

Mapapanood na ang all-new episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit na kinunan sa nangyaring lock-in taping ng programa sa San Mateo, Rizal noong 2020.

Tingnan ang kanilang experience "new normal" experience dito:

Sa Bilangin ang Bituin sa Langit, ginagampanan nina Mylene at Kyline Alcantara ang mag-inang Nolie at Maggie Dela Cruz, na orihinal na ginampanan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa pelikula. Ginagampanan na ni Ms. Nora ang ina ni Nolie na si Cedes sa TV adaptation.

Sina Zoren Legaspi at Yasser Marta naman ang nagbigay buhay sa mag-amang sina Ansel at Jun, na orihinal na ginampanan ni Tirso Cruz III sa pelikula.

Kilalanin pa ang kanilang mga karakter dito:

Patuloy na tumutok sa Bilangin ang Bituin sa Langit, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.