GMA Logo Chan young Ji hoo Yi hyun Lomon
Source: The Swoon (YouTube)
What's Hot

'All Of Us Are Dead' stars announce return in season 2

By Jimboy Napoles
Published June 7, 2022 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iñigo Jose names Kapuso actresses he wants to work with
Ogie Alcasid gives seven relationship tips for daughter Leila Alcasid
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Chan young Ji hoo Yi hyun Lomon


Netflix set to release 'All Of Us Are Dead' season 2.

Confirmed! May season 2 na ang hit Korean zombie Netflix series na All Of Us Are Dead.

Sa isang announcement video, masayang ibinalita ng main cast nito na sina Park Ji Hu, Cho Yi Hyun, at Lomon ang kanilang pagbabalik. Maging si Yoon Chan Young ay kasama rin sa video. Kaya ang tanong ng fans, buhay pa kaya ang karakter niya na si Cheong San sa series?

Bukod sa Squid Game, matatandaan na pumatok rin sa maraming Pinoy ang nasabing Korean zombie series at nakapasok pa ito sa top 10 most watched non-English TV series sa 91 na bansa sa loob ng magkasunod na dalawang linggo mula nang inilabas ito.

Proud moment din para sa maraming Filipino fans nang malaman na isang Pinay ang kasama sa supporting cast ng series. Ito ay si Noreen Joyce Guerra, isang international student sa Korea na may part-time job sa movie productions.

Samantala, balikan ang mga nakatutuwang memes na ginawa ng Pinoy fans tungkol sa All Of US Are Dead dito: