GMA Logo Allen Ansay, Sofia Pablo
Celebrity Life

Allen Ansay and Sofia Pablo visit Singapore together

By Jimboy Napoles
Published October 9, 2022 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay, Sofia Pablo


Kumusta kaya ang Singapore trip ng Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo?

May bagong "first" na nagawa ang Team Jolly at Sparkle sweethearts na sina Allen Ansay at Sofia Pablo ngayong taon matapos nilang mag-travel ng magkasama patungo ng Singapore kamakailan.

Sa Instagram, ibinahagi nina Allen at Sofia ang ilan sa mga highlights ng kanilang pagbisita sa nasabing bansa.

Makikita sa Instagram story ni Sofia ang pagtungo nila sa Universal Studios at pag-e-enjoy sa isang horror house doon.

Source: sofiapablo (Instagram)

Sa shared story naman ni Allen, makikita ang larawan nila ng kanyang on screen partner na si Sofia habang masayang naglilibot isang theme park.

Source: itsmeallenansay (Instagram)

Bukod dito, nagpa-picture rin ang dalawa sa famous Jewel Changi Airport ng nasabing bansa.

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)

Samantala, naghahanda na rin sina Allen at Sofia para sa kanilang pagbibidahang series na Luv is: Caught in His Arms na kinunan pa sa city of pines, Baguio.

Ang nasabing series ay ang first collaboration project ng Wattpad Webtoon Studios at GMA Network.

Makakasama ng dalawa sa nasabing series ang ilan sa Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: