
Sina Allen Ansay at Sofia Pablo ang ating makakasama sa ikalawang bahagi ng 5th anniversary special ng Amazing Earth.
Sa darating na Biyernes, July 21, makakasama ng Amazing Earth host na si Dingdong Dantes ang isa sa mga tinututukang Sparkle loveteams na sina Allen at Sofia.
Sa episode na ito ay bibigyan ni Dingdong ng misyon sina Allen at Sofia. Ito ay ang tumulong sa clean-up ng Pasig River.
Tampok rin sa Biyernes ang kuwento ng mga jellyfish mula sa Bucas Grande, Surigao del Norte. Kaabang-abang rin ang mga ibabahagi ni Dingdong mula sa nature documentary na “Wild Dynasties: Gangs."
Abangan ang bagong Friday night habit na handog ng Amazing Earth ngayong July 21, 9:35 pm sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: