
Muling nagpakilig ang Sparkle love team o kilala rin bilang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa kanilang latest vlog sa YouTube channel na AlFia.
Sa nasabing vlog, sinagot nina Sofia at Allen ang ilang mga tanong mula sa kanilang fans. Isa na rito ay ang, “Hanggang saan kayang maghintay ng isang Allen Ansay?”
Sa kabila kasi ng pagiging “special friends” ng dalawa ay priority muna nila ang kanilang mga career lalo na ngayon na binansagan na silang next generation leading lady at leading man.
Sagot naman ni Allen sa tanong, “Hanggang sa dulo ng walang hanggan.”
Dagdag pa niya, “Maghihintay ako talaga hanggang dumating ang tamang panahon.”
Kaugnay naman nito ang sumunod na tanong na para naman kay Sofia. Tanong ng fan, “Pagdating po ba ng panahon ay si Jolly boy ang pipiliin mong maging bf?”
“Of course, yes,” kinikilig na sinabi ni Sofia.
Matapos ito, ibinahagi rin ng aktres kung paano nila napapatagal ni Allen ang kanilang friendship na going four years na ngayong taon.
Kuwento ni Sofia, “Hindi namin hinahayaan na kunwari magkaaway kami siyempre lahat naman ng magkakaibigan hindi maiiwasan na mag-away kahit maliit na bagay lang kung hindi siya iso-solve kung papalagpasin mo lang, kung walang closure 'yung pag-aaway, magpapatong-patong 'yung sama ng loob.
“Feeling ko 'yun talaga 'yung secret kung bakit nag-long last 'yung friendship namin kasi lahat ng problem namin lagi naming pinag-uusapan and sino-solve namin.”
“So very open kami sa isa't isa kapag may problems kasi nag-agree kami na kapag ganun magla-last talaga 'yung friendship namin kasi nagkakaintindihan kami and nakikilala namin 'yung isa't isa,” ani pa ng young actress.
Samantala, kamakailan ay kinilala naman bilang 'Most Promising Loveteam of the Year' sina Sofia at Allen sa ginanap na Global Trends Business Leaders Awards 2023. Bukod dito, sila rin ang naging cover stars ng local magazine na FreebieMNL Spotlight sa kanilang February 2023 issue.
Sa ngayon, naghahanda na rin sina Sofia at Allen sa kanilang first digital series sa GMA Public Affairs na pinamagatang In My Dreams.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: