GMA Logo Allen Ansay
Source: itsmeallenansay (Instagram)
What's Hot

Allen Ansay, mas nahasa ang pag-arte dahil sa workshops ng Sparkle GMA Artist Center

By Jimboy Napoles
Published September 28, 2022 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, Kris Bernal all praises for each other in first collaboration in 'House of Lies'
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay


Allen Ansay sa kanyang aktibong pagsali sa workshop: "Kaya gusto ko na tuloy-tuloy pa rin ang workshop ko para lalo kong mapabuti ang craft ko." Read more:

Mula sa kanyang naging StarStruck journey, unti-unting nagiging makulay ang career journey ng Kapuso young heartthrob at Sparkle teen actor na si Allen Ansay.

Sa katunayan, marami na ring naging proyekto si Allen matapos ang reality show competition, gaya ng ilang Kapuso series kung saan ipinamalas niya ang kanyang galing sa pag-arte, tulad ng Prima Donnas at Raya Sirena kung saan nakasama niya ang kanyang on screen partner na si Sofia Pablo.

Malaking tulong para kay Allen ang series of workshops na ibinibigay ng Sparkle GMA Artist Center para sa kanilang mga bagong artista upang mahasa pa ang kanilang talento.

Aniya, "Para sa akin, ang susi ay ang active participation ko sa workshop. Habang tumatagal, unti-unti kong nari-realize na nakakapagbigay ako ng emotional obligation na kailangan ko na walang daya. Kaya gusto ko na tuloy-tuloy pa rin ang workshop ko para lalo kong mapabuti ang craft ko."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Bukod sa mga program guesting, abala rin ngayon si Allen para sa upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught In His Arms na pagbibidahan nila ni Sofia kasama ang ilang Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, Raheel Bhyria, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Kamakailan, bumisita sina Allen at Sofia at ang ilan pang cast ng series sa Manila International Book Fair kung saan game na game silang nakipag-meet and greet sa kanilang fans.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: