
Sumabak na si Sparkle star Allen Ansay sa first taping niya para sa upcoming medical series na Code Grey.
Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa “Chika Minute” para sa 24 Oras Weekend, ibinahagi ni Allen na hindi pa rin siya makapaniwala na marami siyang eksena kasama si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
"As in magkaaway talaga. Halos lahat ng eksena ko, kaeksena ko si Kuya Alden. Nu'ng una, na-starstruck ako. Nahiya talaga ako. Pero napakagaan na katrabaho ni Kuya Alden kasi talagang i-ga-guide ka niya. Talagang napakasimpleng tao talaga, Sir Nelson. So 'yung kaba mo, mawawala," sabi ni Allen.
Gaganap si Allen bilang kapatid ni Alden sa serye. Sa panayam ni Nelson para sa 24 Oras noong April 21, ibinahagi ng aktor ang effort na inilalaan niya bilang paghahanda sa kanyang role.
"Nabasa ko ngayon, 'yung character ko pala is kabaligtad ni Kuya Alden. Kapatid niya ako na medyo [magbibigay] ng problema sa kanya, so magiging ready tayo diyan kasi kabaligtaran din talaga ng personality ko," sabi ni Allen.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'CODE GREY' SA GALLERY NA ITO:
Bukod kay Allen, naging abala rin ang ilan sa mga co-star niya tulad nina Christopher de Leon, Kristoffer Martin, Christian Bautista, Faith Da Silva, at Jon Lucas sa paghahanda para sa kani-kanilang role. Sa katunayan, nagpunta pa nga sila sa isang ospital para mag-immersion at makakuha ng deeper insight sa kanilang mga karakter.
Ilan pa sa mga makakasama nila sa serye ay sina Andrea Torres, Shuvee Etrata, at Joross Gamboa.
Abangan ang upcoming medical drama series na Code Grey ngayong 2026 na sa GMA.
Panoorin ang panayam kay Allen dito: