GMA Logo allen dizon
What's on TV

Allen Dizon, bakit ayaw pasukin ang pulitika?

Published April 10, 2025 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

allen dizon


Alamin kung bakit hindi tinatanggap ni Allen Dizon ang mga alok sa kaniya na pumasok sa pulitika.

Isa sa mga inaalok na celebrities para tumakbo sa nalalapit na eleksyon ay ang Fatherland actor na si Allen Dizon. Ngunit sa daming nag-uudyok sa kaniya, bakit nga ba tumanggi ang aktor na pumasok sa pulitika?

Sa pagbisita nina Allen at Richard Yap sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 10, inamin ng aktor na kaya siya tumatangging pasukin ang mundo ng pelikula ay dahil hindi pa siya handa para rito.

“Parang kailangan kong mag-aral kung papasukin ko 'yung politics. Kailangan ko muna i-set aside 'yung career ko and 'yung family ko to enter politics. Parang kung papasukin mo 'to, kailangan 'yung buo 'yung loob mo and meron kang [Boy: Apoy sa bituka] totoo. Pag-aralan mo kung papasukin mo talaga kasi hindi basta-basta e,” sabi ng aktor.

Ipinahayag din ni Allen ang kaniyang takot na kapag ibinoto siya ng tao ay baka hindi niya magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin bilang isang public servant.

Dito ay binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang sinasabi noon ng namayapang batikang komedyante na si Dolphy kapag inuudyukan siyang tumakbo sa pulitika, “Ang pinakamalaki niyang takot ay 'pag nanalo siya.”

Gaya ni Allen, may ilang celebrities din na tumanggi nang pumasok sa pulitika, tulad na lang nina Maricel Laxa at asawa nitong si Anthony Pangilinan.

Sa October 16, 2024 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, tinanong din sila ng batikang host kung naisip ba nilang pasukin ang mundo ng pulitika.

Mariing sagot ng aktres, “No, no.”

“Because we've seen how we can support people behind the scenes and mas effective 'yun sa tingin ko,” paliwanag ng aktres.

Mariin ding itinanggi ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na pasukin ang pulitika nang tanungin siya tungkol dito matapos pumirma ng business partnership deal sa Viva Inc noong March 27.

Pag-amin ng aktor, “There has been offers po for me to run. But for me, at this point in my life, I respectfully decline po.”

Aniya, tumatanggi siya pasukin ang naturang industriya dahil pakiramdam ni Alden, sapat na ang plataporma na meron siya ngayon para mag-reach out sa mga taong nangangailangan.

RELATED GALLERY: Allen Dizon, from Viva Hot Men member to an endearing TV doctor