
Apat na episodes na lang ang natitira sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Kaya naman nakaramdam daw ng pagkabitin ang aktres na si Almira Muhlach sa nalalapit na pagtatapos nito.
Gumaganap si Almira bilang Elizabeth Chan, ang legal wife ng yumaong family patriarch na si Edison Chan (Robert Seña) at nanay nina Anton (David Licauco) at Kenneth (Dustin Yu.)
Sa huling apat na episodes ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, hindi magugustuhan ni Steffy (Barbie Forteza) ang pagbisita nina Anton (David Licauco) at Joseph (Rob Gomez) sa lamay ni Myla (Kate Yalung).
Lalabas na rin ang tunay na kulay ni Allan (Victor Basa) bilang isang traydor na may masamang balak kay Cristine (Sunshine Cruz) at kasabwat ni Valerie (Maricel Laxa).
Huwag palampasin ang huling apat na araw ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.
Abangan din ang same-day replay nito mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes ng 11:00 pm sa GTV.