GMA Logo althea ablan and cassy legaspi on daig kayo ng lola ko
What's on TV

Althea Ablan at Cassy Legaspi, na-challenge sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko: Game Over'

By Aedrianne Acar
Published November 3, 2022 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

althea ablan and cassy legaspi on daig kayo ng lola ko


Abganan sina Althea Ablan at Cassy Legaspi sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ngayong Linggo!

Tatayo ang balahibo n'yo sa kaba at takot sa inihandang bagong adrenaline-pumping episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, na magsisimula ngayong Linggo, November 6.

Matapos ang two-month season break ng show, nagbabalik ang award-winning children's fantasy show hatid ang kuwento ng "Game Over," kung saan mata-transport ang mga bidang sina Nurse Lorraine (Carla Abellana) at si Luigi (Will Ashley) sa isang zombie school-themed mobile game.

Sa online media conference ng programa kamakailan, nakapanayam ng entertainment press ang mga bida nitong sina Althea Ablan at Cassy Legaspi.

Ayon sa dalawang Sparkle actresses, challenging ang pagganap sa project na ito. Pero malaking tulong ang guidance ng kanilang director na si Rico Gutierrez para mapadali ang lahat.

Para kay Althea, sobra na-enjoy niya ang fight scenes sa ginampanan niyang role na si Jade, ang bida sa online game na nilalaro ni Luigi.

“Working with Direk Rico, many times ko na po siya naka-work. And then, kilala ko siya as in very tutok talaga. Mabilis mag-work si Direk, pero tutok siya, lalo na sa character, siyempre gusto niya ibang timpla bawat character iba't-ibang atake," sabi ni Althea.

“And with my character naman, siyempre, meron itong fight scene, mero'n action, so gusto ko 'to. So, ine-enjoy ko lang siya with the help of mga stunt director nga, kasi kailangan dapat [maganda 'yung tama], gusto ko talaga maangas, since ako 'yung main character sa game na 'yun. So, kailangan talaga ako 'yung magaling doon, ako 'yung marunong makipaglaban sa mga zombies.”

Samantala, gagampanan ni Cassy ang karakter ni Lara sa "Game Over," ang younger sister ni Lorraine.

Para kay Cassy, nakatataba ng puso ang ibinigay na trust sa kaniya ni Direk Rico sa pagganap niya sa kaniyang karakter.

Paliwanag niya, “Working with Direk Rico, I already knew I was in good hands. He works very fast, very efficient and I super love that he really trusted me and he lets me play."

Dagdag nito, “As in, siguro ginawa ko 'yung lahat ng genres sa isang show--may comedy factor ng slight, may rom-com nang slight.

“'Tapos siyempre, may pagka-horror siya, so super exciting siya kasi I was able to play and at the same time I got to do may job as well.”

Mapapanood din sa "Game Over" episode ng Daig Kayo ng Lola Ko ang mga Sparkle talents na sina Matt Lozano at actor-model na si Luis Hontiveros.

Huwag papahuli sa pagbabalik on TV ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Running Man Philippines.