
Kapwa hindi nahirapan sina Althea Ablan at Princess Aliyah na ituring na kuya ang award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell sa Forever Young.
Sa inspiring family drama, gumaganap sina Althea at Princess bilang Raine at Rylie, mga nakababatang kapatid ni Rambo na pinagbibidahan ni Euwenn.
Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Althea at Princess kung bakit hindi sila nahirapang itratong kuya si Euwenn sa show.
"Actually po nu'ng first akala namin mahihirapan kami since nga mukha siyang bata, " sabi ni Althea. "Pero tulad nga ng sabi ng lahat, pare-parehas po kami ng first impression kay Euwenn... mature po talaga siya.
"Sobrang proud kami sa kanya dahil na-portray n'ya 'yung role niya as 25 years old," dagdag niya.
Pagpapatuloy ni Princess, "Nu'ng una ko kasing nakita si Euwenn bago pa 'yon mag-pandemic. And, nu'ng nalaman ko na magiging kuya ko siya rito sa show, medyo nanibago ako kasi syempre mas bata sa akin.
"Sabik din kasi ako sa lalaking kapatid so sabi ko 'Paano ba kita iti-treat like little brother ba?' Pero nu'ng nakita ko siya parang ako nga talaga 'yung bunso kasi sobrang mature n'ya talaga parang kuya."
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na may rare medical condition na tinatawag na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki.
Kasama rin nina Althea, Princess, at Euwenn sa family drama sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: