
Excited na ang Sparkle actress na si Althea Ablan na mapanood ng lahat ang pinakabagong inspiring afternoon series ng GMA, ang Forever Young.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres ang unang reaksyon nang mabasa ang script ng Forever Young.
"Kakaibang kuwento," sabi ni Althea. "Kakaiba talaga dahil nangyayari pala 'yon, mayroon pa lang [condition] na ganoon, panhypopituitarism."
Pagpapatuloy niya, "Maganda 'yung story. Kaya excited ako na malaman ninyo ito, mapanood n'yo, at mayroon kayong makuhang aral."
The cast of 'Forever Young' during their pictorial
"Thankful at blessed" din si Althea sa pagkakataon na ibinigay ng Kapuso Network na maging parte ng cast ng Forever Young at gampanan ang role ni Raine.
"Si Raine ay kapatid nina Rambo (Euwenn Mikaell) at Rylie (Princess Aliyah), siya ay middle child. Bilang middle child ay masaya lalo na mayroon kang kuya na nagpo-protect sa iyo at mayroon kang mga magulang na mapagmahal," paliwanag ni Althea sa kanyang karakter.
"Syempre, napapaligiran ka ng mga taong mabuti ang puso, hindi na ako lalayo sa Kuya Rambo ko na talagang nagbibigay serbisyo sa lahat ng tao," dagdag niya.
Bukod sa kakaibang kuwento, ani Althea, dapat ding abangan ng manonood sa Forever Young ang mga aral na matutunan sa serye.
"Marami kayong dapat na abangan dahil ito ay family drama, na may pagka-politics din, mas mabibigyan kayo ng ideas, lessons, sa side ng politics at pati na rin syempre sa family."
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo (Euwenn), isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Makakasama ni Althea sa Forever Young sina Euwenn Mikaell, Michael De Mesa, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Abangan ang Forever Young, simula October 21, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang teaser ng Forever Young sa video na ito: