
Nakangiting sumang-ayon si Althea Ablan nang may magkomento na kapansin-panin ang pagiging blooming at masayahin niya ngayon.
Sa kanyang panayam sa GMANetwork.com kagabi sa Music Museum, matapos niyang tanggapin ang parangal bilang isa sa Outstanding Men and Women of the Philippines- Youth, 'di nito maitago ang magkahalong tuwa at kilig na nararamdaman nang tanungin siya sa lagay ng kanyang personal life.
"Thank you!" sambit ni Althea, sabay tawa. "May special something? Hahaha. Siguro alam naman po yon ng lahat, pero aside from that, meron akong special someone and meron akong special something. Siyempre gusto ko yung best na sarili ko binibigay ko talaga palagi."
Kapansin-pansin rin ang kanyang pangangatawan na tila mas fit at healthy na ngayon.
"Actually before no'ng conscious ako sa sarili ko na magda-diet ako, hindi ako naglu-lose ng weight pero no'ng hindi ko na siya pinapansin, mas nag-lose ako ng weight. So kaya ngayon, hindi ko na siya pinapansin. I eat more ngayon, pero siyempre, like sabi ko nga sa mga ibang interviews ko na kung ano lang ang sinasabi ng manager ko, at kung ano lang 'yung nakakaganda para sa akin, sinusunod ko po."
Marahil malaking dahilan rin ang kanyang "special someone" para mas pagandahin at i-improve ang sarili?
"Yes, yes. Pinapasaya niya ako, 'di ba? So eto na 'yung kinalabasan. 'Di ba nakikita na natin sa outer."
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA PRINCE CLEMENTE AT ALTHEA ABLAN:
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko, especially ng kanyang fans, na ang special someone na tinutukoy ni Althea ay ang Sparkle hunk na si Prince Clemente. Bukod sa constant companion niya si Prince sa ilang lakad, siya rin ang naging date niya sa GMA Gala 2023. Sa katunayan, nag-effort pa si Prince Clemente na gumawa ng "date proposal" para kay Althea sa isang sikat na hotel sa Paranaque City. Kahit sa Instagram, ang tawagan ng dalawa sa isa't isa ay "Moo."
Para sa blooming na dalaga, ang parangal na kanyang nakamit ay isang paalala rin na kailangan pa niyang pagbutihin ang kanyang career at ang pakikitungo sa ibang tao.
"First of all, thank you for choosing me as one of the Oustanding Youth of the Philippines 2023. This is my first award. Yung first ko kasi e yung sa Prima Donnas e pero as a representative lang ako no'n, so siyempre sa whole Prima Donnas family 'yon. But this, individual na siya and it's my first time.
"I'm very happy and nagpapasalamat ako kay Lord for this award. Siyempre kapag nakakatanggap ka ng award, gusto mo mas ginagalingan mo and mas binibigay mo yung best mo."
Pero sa ngayon, nais muna niyang namnamin ang tamis ng una niyang solo award.
"Mixed emotions actually," dagdag ni Althea. "Sa school nakakatanggap tayo ng awards, pero ito kasi iba ito e. Nakaka-kaba na masaya, ayun nga, mixed emotions."