
Hindi naging balakid para sa celebrity couple na sina Althea Ablan at Prince Clemente ang kanilang 7-year age gap. Ngunit pag-amin ng dalawa, naging dahilan din ito para itago noong una ang kanilang relasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, inamin nina Althea at Prince na hindi nila nakita ang isa't isa bilang potential partners noong una. Sa katuanyan, wala pa silang naramdamang sparks para sa isa't isa.
“Parang nagka-develop lang talaga start ng taping. So meron kaming two days taping so parang second day, du'n kami parang mas na-develop,” pagbabahagi ng aktres.
Kuwento ni Prince, nagbago ang pananaw niya isang taon matapos silang magsimulang maging close ni Althea.
Pagbabahagi ng aktor, “Siguro mga one year na kaming nag-uusap nu'n tapos parang du'n ko na-feel na parang lagi ko nang hinahanap-hanap 'yung text niya na 'pag gumigising ako, hahanapin ko 'yung 'Good morning.'”
Hindi rin naman naging problema para kay Althea na umabot ng isang taon na parang walang nangyayari sa kanilang relasyon. Sabi ng aktres, 16 pa lang siya noong magsimula silang maging malapit ni Prince at noong mag-18 na siya nang maging mas bukas ang isip nila.
“Parang inintay niya talaga ako sa right age,” sabi ni Althea.
Isa pa umanong dahilan kung bakit nalampasan nila ang kanilang age gap ay kalaunan, hindi na ito naramdaman ng aktor.
“Nu'ng mga times po na para talagang feel ko naman na nagkakaintindihan kami tapos pareho kami ng mga gusto, halos parehas 'yung ugali namin so parang never ko nang naisip na may age gap kami. And actually, hindi ko nga ramdam na may age gap kami 'pag nag-uusap kaming dalawa, e,” pagbabahagi ni Prince.
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITY COUPLES NA MAY MALAKING AGE GAP SA GALLERY NA ITO:
Si Prince man ang unang boyfriend ni Althea, ramdam naman umano ng aktres na komportable siya dito at parang sigurado siya na magwu-work naman ang kanilang relasyon.
Kung noong una ay sinubukan pa nilang itago ito, sa huli ay inamin na rin nina Prince at Althea ang kanilang relasyon sa publiko dahil para sa kanila, wala na rin naman na silang maitatago sa harap ng social media.
“Kahit saan ka po magpunta, always may magvi-video sa 'yo or magpi-picture. So parang ba't pa po namin papahirapan 'yung sarili namin na magtago-tago e kami naman talaga? Nu'ng naging kami e 'di post. Kung may mag-ask e 'di, 'Opo, kami na,'” sabi ni Prince, bagay na sinang-ayunan naman ni Althea.
“Kasi totoo naman po 'yung social media talaga, sobrang lawak po ng social media, e. Kahit saan nga po kami pumunta, may nakakakita sa 'min, pinipicturan kami, hindi naman po namin maiwasan,” sabi ng aktres.
Panoorin ang panayam kina Althea at Prince dito: