
Hindi na maitago ni Kapuso teen actress Althea Ablan ang kanyang excitement sa paparating na GMA Thanksgiving Gala.
Sa panayam ni Althea sa GMANetwork.com, inamin niyang noong nalaman niya na magkakaroon ng Thanksgiving Gala ang GMA ay may ideya na agad siya kung sino ang magiging designer ng kanyang damit.
Aniya, "I'm ready for the Gala Night at nung nalaman ko na merong event, meron na agad pumasok sa isip ko kung kanino ako magpapagawa ng susuotin ko, at kay Sir Endozo dahil siya ay magaling na designer.
"And I love to support small business."
Dagdag ni Althea, simple lang sa kanyang look sa GMA Thanksgiving Gala na ang tema ay Old Hollywood.
"My look for the Gala Night, simplehan lang natin. Simple but elegant," pagtatapos niya.
Abangan ang red carpet ng GMA Thanksgiving Gala sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network, at sa Tiktok account ng Sparkle GMA Artist Center.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ALTHEA SA GALLERY NA ITO: