
Humingi ng tawad si Alwyn Uytingco kay Jennica Garcia sa kanyang latest post sa Instagram.
Sa ibinahaging mga litrato ng aktor, makikita ang masasayang alaala ng dalawa habang kumakain sa isang restaurant.
Hindi man diretsahang binanggit ni Alwyn ang mga pagkakamali, pero malinaw ang paghingi niya ng tawad para kay Jennica.
"Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko.
"Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. 'Di mahalaga kung ano sasabihin nila. Ang mahalaga para sa akin ay ang mga salita na manggagaling sa 'yo.
"Natalisod man ako, hindi ko hahayaan, na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sa 'yo. Mahal na mahal kita," pagbabahagi ni Alwyn.
Patuloy pa ring umaasa si Alwyn na maaayos pa niya ang kanyang pamilya.
Sa mga nakaraang posts din nito, ipinakita ng aktor ang pagmamahal niya para kay Jennica at inamin nito na nami-miss na niya ang kanyang dalawang anak na sina Athena Mori Uytingco at Alessi Uytingco.
Nagsimulang manamlay ang kanilang relasyon noong March 2021, base na rin sa interview ni Jennica kay Aubrey Carampel sa 24 Oras. Kinumpirma mismo ng aktres na hiwalay na sila ni Alwyn noong May.
Samantala, sa muling pagbabalik ni Jennica sa showbiz, gagampanan nito ang karakter ni Brenda sa Las Hermanas.
Tingnan ang buhay ni Jennica bilang isang working mom sa gallery na ito: