GMA Logo alyana asistio
What's Hot

Alyana Asistio, nagbigay ng update sa naging epekto ng Bagyong Ulysses sa pamilya

By Dianara Alegre
Published November 13, 2020 5:38 PM PHT
Updated November 13, 2020 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

alyana asistio


Nagbigay ng update si Alyana Asistio tungkol sa sinapit ng kanilang bahay at mga gamit, isang araw matapos manalasa ng Bagyong Ulysses.

Kabilang ang pamilya ng aktres na si Alyana Asistio, anak ni Nadia Montenegro, sa mga nakaranas ng pananalanta ng Bagyong Ulysses sa bansa nitong Huwebes, November 12.

Nakatira ang kanilang pamilya sa Marikina City, na labis na binaha dahil sa malakas at tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyo.

Ayon sa aktres, nalubog sa baha ang unang palapag ng kanilang bahay nitong Huwebes.

“The gate that separates the creek from our house broke already, We don't know how or when it will end.. PLEASE PRAY FOR US. The first floor of our house is gone,” post niya sa social media nitong Huwebes.

Ngayong Biyernes, November 13, ibinahagi ni Alyana na humupa na ang baha at unti-unti na nilang pinatutuyo at isinasalba ang nalubog sa baha nilang mga gamit.

alyana assistio

Alyana Asistio

Nagbigay ng update si Alyana Asistio tungkol sa sinapit ng kanilang bahay at mga gamit, isang araw matapos manalasa ng Bagyong Ulysses / Source: alyanaasistio (IG)

Samantala, naging emosyonal naman ang kanyang ina, si Nadia, nang ibahagi niya ang naranasan nilang pamilya kahapon sa video na ini-post niya online.

"Bumigay po ang wall ng creek sa tabi ng bahay namin while we were trying to save the cars.

"Nalingat lang po kami the water from the back of the house doon po dumaan and then umabot na kaagad ng hita, tapos umabot kaagad ng bewang.

“In short, wala kaming na-save, wala kaming nakuha but those are material things. Ngayon naiintindihan ko na, kasi nangyari sa akin ito,” aniya.

Pero sa kabila ng nangyari nagpasalamat pa rin ang aktres na ligtas sila. Aniya pa, mas lumakas ang pananampalataya niya sa Panginoon dahil sa nangyari.

“If there's one thing I want to share, e, 'yun nga sabi ko sa post ko natangay man ni Ulysses lahat, nakuha man niya lahat pero grateful lang ako na lalong tumibay ang faith ko.”

Aniya pa, “I'll be fine. We'll be okay. Ulysses didn't damage me, he affected me, but he didn't damage me.”

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam)

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam)