GMA Logo
What's on TV

'Alyas Robin Hood' muling mapapanood sa GMA Network

By Maine Aquino
Published March 27, 2020 3:00 PM PHT
Updated March 27, 2020 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Magbabalik sa telebisyon ang unang season ng 'Alyas Robin Hood' na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Simula ngayong March 30, mapapanood muli sa telebisyon ang unang season ng Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Ang Alyas Robin Hood ay unang napanood sa Kapuso Network noong 2016. Kasama ni Dingdong Dantes ang Kapuso actresses na sina Andrea Torres at Megan Young na gumanap bilang Venus at Sarri.

Sa programang ito ginampanan ni Dingdong ang karakter ni Pepe.

Si Pepe ay napagbintangan na pumaslang sa kanyang ama. Dahil dito, nagpursige siyang hanapin ang taong tunay na dapat na managot sa pagkamatay ng kanya ama.

Sa isang insidente, aakalain ng lahat na patay na si Pepe at dito magsimula ang kanyang misyon sa katauhan na Alyas Robin Hood.

Ang Alyas Robin Hood ay mapapanood simula ngayong March 30, 4:10 to 5:00 p.m. pagkatapos ng Onanay.

Abangan ang bagong Afternoon Prime shows sa darating na March 30!