GMA Logo alyanna velasquez rachel alejandro
Photo by:Dominic Dimagmaliw, Rachel Alejandro FB
Celebrity Life

Alynna Velasquez, sa anak ni Hajji Alejandro na si Rachel: 'Thank you for loving him'

By Kristine Kang
Published April 25, 2025 4:30 PM PHT
Updated April 25, 2025 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop shot dead while attending wake in Iligan
Speaker Dy says proposed 2026 budget has ‘no insertions’
Check out these Christmas treats

Article Inside Page


Showbiz News

alyanna velasquez rachel alejandro


Ipinaliwanag ni Alynna Velasquez ang pagbisita niya sa Walk of Fame star ng yumaong OPM icon na si Hajji Alejandro.

Sa kabila ng mga usapin tungkol sa kanilang relasyon, pinatunayan nina Alynna Velasquez at Rachel Alejandro ang kanilang respeto at pagmamahalan para sa isa't isa.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si Alynna ng mensahe para sa anak ng kanyang dating partner na si Hajji Alejandro. Buong-puso niyang isinulat ang pagmamahal niya sa mag-ama, at ang paghanga sa naiambag nila sa OPM industry.

"I love you both. You are the best father-and-daughter team. The strength of your bond and mutual support is immeasurable. The impact you have on your audience is so strong that every show is a lasting memory. Bravo! I will miss you both being on the same stage singing and dancing together," ani Alynna.

Dagdag pa niya, "Rachel, remember that your dad's mighty proud of you. Always. He will always be there in your heart singing with you. Our ANGELito."

Lalo namang ikinatuwa ng fans ang naging sagot ni Rachel sa comment section. "Thank you for loving him," sabi niya.

Bumuhos din ang pakikiramay mula sa fans na nagpaabot ng kanilang respeto at pagsaludo kay Hajji Alejandro. Marami ang nagpaalala ng kanyang walang kupas na legacy bilang isa sa mga OPM icon.

Photo by: Alynna Velasquez FB

Samantala, nagsalita na rin si Alynna tungkol sa kanyang pagbisita sa Walk of Fame ng kanyang yumaong partner.

Sa isang post, inamin ng singer na hindi siya makakadalo sa burol ni Hajj, kaya't sa Eastwood City Walk of Fame na lamang siya nagpaabot ng kanyang pakikiramay.

Paliwanag ni Alynna, "I am sorry I can't answer your questions right now. I want to respect the privacy of those who are not involved."

Nangako si Alynna na darating din ang tamang panahon para siya'y makapagsalita nang buo tungkol sa kanyang sitwasyon.

Nagpasalamat din siya sa mga tagasuporta na patuloy na nagpapadala ng pagmamahal para kay Hajji at sa kanilang pamilya.

"All the love and beautiful messages make me smile despite the sadness and longing for the man I love. Thank you for giving us time to grieve. God bless us all with renewed strength..."

Photo by: Alynna Velasquez FB

Marami ang nalungkot nang kinumpirma ng manager ni Hajji Alejandro na si Girlie Rodis ang pagpanaw ng OPM legend noong April 22.

Bago mamaalam ang veteran singer, inihayag ni Alynna Velasquez na si Hajji ay may stage four colon cancer at nagkaroon pa ng seizure dulot ng impeksyon.

Balikan ang legacy ni Hajji Alejandro sa gallery na ito: