GMA Logo catch me out philippines diabolo amateur
What's on TV

Amateur Diabolo performer, naka-perfect score sa 'Catch Me Out Philippines'

By Cara Emmeline Garcia
Published February 24, 2021 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

catch me out philippines diabolo amateur


Nagulat ang celebrity catchers nang maloko sila ng isang amateur performer, na nakatanggap ng perfect score sa polling system ng 'Catch Me Out Philippines.'

Isa na namang world-class performance ang hatid ng dalawang amateurs sa Catch Me Out Philippines noong Sabado, February 20.

Ang dalawang nakipagkompetensya ay sina Renato “Raine” Nieves Jr., isang t-shirt printing business operator sa Cavite; at si Herbert “Bhert” Colasi, isang freelance videographer sa Bulacan.

Nakipagsabayan si Raine sa isang isolation dance number kasama ang two-time World Hip-hop Champions na UPeepz habang si Bhert naman ay ipinakita ang mga diabolo tricks na natutunan niya sa kanyang one month training.

Matapos mapanood ang kani-kanilang performance, nagpakitang gilas din ang ilang mga Celebrity Catchers tulad nina Andre Paras at Sef Cadayona sa pag-isolate na nakakuha naman ng stamp of approval mula sa Celebrity Spotters na sina Kakai Bautista, Derrick Monasterio, at Glaiza de Castro.

Samantala, puro papuri ang nasabi ng Celebrity Spotters matapos mapanood ang diabolo performance ni Bhert kaya naman napa-Ingles pa ang comedienne na si Kakai Bautista nang matanong ni Jose Manalo kung ano ang tingin niya sa itinanghal ng contestant.

Bitaw ni Kakai, “Kuya Jose! OMG! It's so breathtaking. Their performance is just amazing and breathtaking!

“Pero nga kuya, sa sobrang galing nila, malilipat 'yung atensyon mo sa galing nila sa paggawa ng tricks.”

Sa huli, nagwagi si Bhert sa pagpapabilib na siya ay isang professional nang makamit n'ya ang perfect score sa polling system. Siya rin ang nakauwi ng PhP100,000 grand prize.

Source: Catch Me Out Philippines - GMA Network

Patuloy na panoorin ang Catch Me Out Philippines, tuwing Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kwento sa GMA-7.