
Ang kuwento ng 102-year-old tour guide na si Zoilo "Lolo Ite" Gerones ang isa sa mga ibinida ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth noong March 18.
Si Lolo Ite ay pinaniniwalaan daw na pinakamatandang tour guide sa bansa. Sa kaniyang edad, kitang-kita pa ang lakas ni Lolo Ite sa pagbabahagi ng kuwento nilang mga Dumagat sa Rizal.
Napanood din sa Amazing Earth ang mga Pinay OFW na nakatira sa Svalbard. Sina Chena, Khaina, and Angie ay nagbigay ng tour sa remote Arctic islands.
Subaybayan ang exciting na episodes ng Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network.
BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: