
Isang amazing episode tungkol sa iba't ibang ritwal ng mga animals ang inihanda ni Award-winning host Dingdong Dantes para sa Amazing Earth ngayong May 9.
Kaugnay sa pagdiriwang ng Mother's Day ngayong Linggo (May 11), makakapanayam ni Dingdong si Angelica Yulo, ang ina ni two-time Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo. Ibabahagi niya ang pagpapalaki sa kaniyang gymnast na mga anak na sina Eldrew at Elaiza Yulo.
Samantala, ipapamalas naman nina Eldrew at Elaiza ang gymnastics training nila at ang inspiring journey at pagmamahal nila sa naturang sport.
Makakasama rin ang Kapuso GEN Z artists na sina John Clifford at Olive May para pag-usapan ang isa sa mga paniniwala ng mga Pilipino: ang nuno sa punso. Totoo nga kaya ang mga paniniwala ng matatanda tungkol dito?
Mapapanood din ngayong Biyernes ang pagpapatuloy ng documentary series na Alien Abyss: Allies or Adversaries.
Abangan ang exciting na adventure na hatid ng Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:25 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
BALIKAN ANG AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH' SA GALLERY NA ITO: