
Exciting na episodes ang inihanda ng Amazing Earth para sa 7th anniversary celebration.
Ngayong August 1, magsisimula na ang special three-part series seryeng, "Last Day of the Dinosaurs." Ibabahagi rito ng Kapuso host na si Dingdong Dantes ang journey to the land before time. Sasamahan natin siya sa pag-explore sa buhay ng mga dinosaurs 65 million years ago gamit ang high-tech CGI and special effects na unang beses mapanonood sa history ng Amazing Earth.
Mapanonood ang five compelling "Kuwentong Amazing" segments. Dito ipakikita ang dahilan bakit nawala ang mga dinosaurs 65 million years ago.
Tampok pa sa unang bahagi ng Amazing Earth 7th anniversary ang "Biritero Boys" mula sa The Voice Kids 2024 na sina Mak-Mak Punay, Jan Hebron Ecal, at Grand Champion Adam Nevin Garciniego. Magkakasama silang haharap sa three Jurassic missions sa Dinosaurs Island, Clark, Pampanga.
Makakasama rin sa episode na ito ang kuwento ng photographer, aqua adventurer and content creator na si Otep Aquin. Siya ay nag-explore ng Apo Reef Natural Park sa Occidental Mindoro. Masasaksihan din natin ang underwater creatures at ang exciting dolphin encounter.
Abangan ang unang bahagi ng 7th anniversary special ng Amazing Earth ngayong Biyernes, August 1, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: