
Ang kuwento ng cemetery na itinuturing tourist attraction din sa Camiguin ang isa sa mga tinutukan sa Amazing Earth.
Sa episode noong January 14, ibinahagi ni Dingdong Dantes ang pinagmulan ng Underwater Cemetery o Sunken Cemetery ng Camiguin.
Ang dahilan daw ng paglubog ng kanilang community cemetery ay ang pagsabog ng Mount Vulcan.
Napanood din sa Amazing Earth ang kuwento ng Sinulog Festival ng Cebu City. Ipinasyal tayo ng Sinulog Queen 2021 Dixie Lee Oca sa mga venue ng kanilang festivities ngayong 2023.
Patuloy na subaybayan ang Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network.