
Isa sa mga dapat na abangan sa upcoming figure skating series na Hearts On Ice ang batikang aktres na si Amy Austria.
Sa Hearts On Ice, gaganap si Amy bilang si Liberty "Libay" Bravo, ang raketerang ina ni Ponggay (Ashley Ortega) na dating magaling na figure skater. Tinalikuran niya ang figure skating matapos na traydurin ng dating kaibigan.
Dahil sa pagnanais na maipagmalaki rin siya ng ina, kahit na may kapansanan ay susubuking abutin ni Ponggay ang naudlot na pangarap na ito ni Libay na maging isang matagumpay na figure skater.
Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon na sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Makakasama rin nina Ashley at Xian sa seryeng ito sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Kim Perez, at Skye Chua.
Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice simula March 13 sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: