GMA Logo Ashley Ortega
Photo by: ashleyortega (IG)
What's on TV

Ashley Ortega, emosyonal nang tanggapin ang role sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published February 20, 2023 6:44 PM PHT
Updated February 20, 2023 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Simula Marso, mapapanood na ang Philippines' first-ever ice skating drama series na 'Hearts On Ice.'

Dream come true para kay Kapuso actress Ashley Ortega ang bagong seryeng pagbibidahan sa GMA, ang Hearts On Ice.

Sa interview ng GMANetwork.com, inamin ni Ashley na hindi niya napigilang maging emosyonal nang malamang magkakaroon siya ng show tungkol sa figure skating.

Para sa mga hindi nakaaalam, bago pa man pasukin ni Ashley ang mundo ng showbiz noong 2012 ay isa na siyang competitive figure skater na lumalaban sa iba't ibang local at international competitions bilang bahagi ng Philippine team.

Photo by: konradongphotography

Kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ng aktres nang ialok sa kanya ang lead role sa Hearts On Ice, ang kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa.

“Actually, nu'ng malaman ko na may show ako about figure skating, naiyak talaga ako. I got so emotional because pangarap ko. And sinasabi sa akin, 'Ano dream role mo?' I always say figure skating," kuwento niya.

Dagdag ni Ashley, "But at the back of my head, iniisip ko na 'parang malabo 'tong mangyari. Kasi paano nga naman tayo magkakaroon ng gano'ng show syempre kailangan mag-adjust ng whole production, but eventually it happens.

"So talagang nagdasal ako kay Lord, nagpasalamat ako sa kanya. And it made me realize... I know it may sound cliché but dreams do come true. Like ito talaga hindi ko in-expect that it will happen. So, I'm really, really grateful."

Makakatambal ni Ashley sa serye ang multitalented actor na si Xian Lim. Makakasama rin niya rito ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Gayundin sina Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.

Iikot ang istorya ng Hearts On Ice sa pangarap ng isang may kapansanan na manlalaro na maging isang kampeon.

Samahan si Ashley bilang Ponggay sa Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: