GMA Logo Amy Austria, Hilda Koronel
Source: amyaustria_ventura (IG), hildakoronel.official (IG)
What's on TV

Amy Austria, nilinaw ang 'misunderstanding' nila ni Hilda Koronel noon

By Kristian Eric Javier
Published June 11, 2026 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DENR checks Davao City landfill for safety before reopening
Private prosecutors in Sara Duterte impeachment: We don't take cues from Malacañang
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Austria, Hilda Koronel


Inamin na ni Amy Austria ang totoong kalagayan ng relasyon nila ngayon ni Hilda Koronel.

Binigyan linaw na ni Amy Austria ang alitan diumano nila ng kapwa aktres na si Hilda Koronel at inamin ang katotohanan sa kanilang naging relasyon noon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 10, nilinaw ni Amy na hindi totoong nag-away sila ni Hilda noon. Ang totoo, nagkaroon lang sila ng misunderstanding.

“Nagkaroon lang ng mga misunderstanding or intriga sa mga siguro ibang tao, kasi huli kaming nagkasama, Mahawi Man ang Ulap. We were friends, lumalabas kami, and then something happened lang in between,” sabi ni Amy.

Kinlaro din ng Kamao star na hindi si Jay Ilagan ang dahilan ng kanilang misunderstanding noon. Matatandaang napangasawa ni Hilda ang batikang host at aktor bago naghiwalay. Kalaunan, nagkaroon sila ng relasyon ni Amy hanggang sa pagpanaw ng aktor noong 1992.

TINGNAN ANG CELEBRITY BFFS SA GALLERY NA ITO:

Sabi pa ni Amy, magkaibigan na sila ngayon ni Hilda, ngunit inaming hindi sila nag-uusap pre-pandemic. Ayon sa aktres, ang nakakausap lang niya ay ang panganay na anak ng dating kaibigan.

“Sabi ko sa daughter niya, 'Ano kaya kung i-add ko siya as a friend sa Facebook, si mama mo?' Kasi 'yung panganay, nakakausap ko, friends kami,” sabi ni Amy.

Pagbabahagi ng batikang aktres, nakita niya sa suggested friends si Hilda at in-add niya ito.

“In-add ko, sumagot naman kaagad, tapos nag-chat kami. Ngayon, ang tawag niya sa 'kin, my love,” sabi ni Amy.

Panoorin ang panayam kay Amy dito: