GMA Logo Amy Austria and Ashley Ortega
What's on TV

Amy Austria on working with Ashley Ortega in 'Hearts On Ice': 'Gusto ko 'yung relax na siya sa akin'

By Aimee Anoc
Published April 12, 2023 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Austria and Ashley Ortega


Isa sa nagustuhang pag-uugali ni Amy Austria kay Ashley Ortega ay ang pagiging komportable nito sa kanya.

Tila tunay na mag-ina na ang turingan nina seasoned actress Amy Austria at Kapuso actress Ashley Ortega sa set ng Hearts On Ice.

Sa Philippines' first-ever figure skating series, gumaganap sina Amy at Ashley bilang ang mag-inang Libay at Ponggay.

Kuwento ng batikang aktres sa GMANetwork.com, nagustuhan niya na agad na naging komportable sa kanya si Ashley sa trabaho.

"Mahilig ako magdala ng pagkain sa set. [Noong] lagi na kaming magkasama, pagdating ng anak ko (Ashley) nangangalkal na siya," natatawang kuwento ni Amy.

"Ibig sabihin nanay na talaga 'yun. Sabi ko nga sa kanya, 'Ako nanay mo ha, kung ano problema mo, pupuntahan mo ako, tawagan mo ako. Kaya gusto ko 'yung relax na siya sa akin. Kasi makikita mo 'yun totoo 'yung tao e," dagdag niya.

Bukod kay Ashley, humahanga rin si Amy sa husay ng mga katrabaho sa Hearts On Ice. Aniya, "Ang galing ni Ashley mag-figure skating. Pero siyempre isa lang 'yun sa parang bonus ng show. And magagaling 'yung mga kasamahan namin."

Isa rin sa hinangaan ni Amy sa show ay ang inspiring na kuwento nito at kung paano nagtrabaho ang lahat para mabuo ito.

"Ako nga 'pag binabasa ko pa lang 'yung script, nararamdaman ko na, nakikita ko na, alam mo 'yung nai-imagine mo na 'yung mga pangyayari. Kapag binabasa mo alam mong totoo siya, hindi siya script lang, ginawa lang. Kaya siguro ako na magugustuhan nila.

"Aside from that, pinaghirapan ito. Talagang pinagpuyatan namin, 'yung schedule lang namin sa figure skating rink talagang 10 ng gabi hanggang 10 ng umaga. Kasi hindi naman minamadali talagang kinukuhanan nang maayos," pagbabahagi ng batikang aktres.

Abangan si Amy sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: